Mag-ingat sa pulis na holdaper ng PS8 ng MPD

ISANG sumbong mula sa isang concerned citizen ang bibigyan natin ng pansin para naman kung totoo man ang kanyang mga sumbong ay mabigyan na rin natin ng babala ang ating mga kapulisan lalo na ang Manila Police Department (MPD).

May kinalaman ito sa isang pulis na kinilalang  si PO2 Francis Leones na dati daw galing sa DAID pero ngayon ay naka-assign na sa PS8 ng MPD.

Inakusahan niyang holdaper ng RM Blvd si PO2 Leones dahil tumitira raw ng holdap ang mamang pulis na ito sa ibabaw ng tulay at saka  bumabalik sa PS8 para nga naman  disimulado ang kaniyang modus-operandi.

Kung gaano mang  katotoo ang paratang na ito ay basahin natin ang nilalaman ng sumbong sa text message.

Nais ko lang magsumbong sa inyo, Boss Johnny Magalona. Pakisubaybayan lang ninyo itong si PO2 Francis Leones na galing sa DAID at ngayon ay sa PS8 ng MPD.  Holdaper yan ng RM Blvd, nakamotor siya, naka-civilian at may dalang baril. Tumitira siya ng holdap sa ibabaw ng tulay at bumabalik sa PS8 para di halata ang kanyang modus operandi. Tatlo  po ang kasama niyang pulis din. Huwag na ninyong ipaalam sa hepe niyang si Supt. Chu at baka pagtakpan lang niya.

Salamat po!!!

Bookies ng STL sa Nasugbu,pader

Sa Nasugbu, Batangas ay solong-solo ni dating Kon. Mildred ang pagpapatakbo ng bookies ng STL sa nasabing bayan.  Hindi ko lamang alam kung bakit hindi kumikilos sina Nasugbu chief of police Supt. Antonio Malabanan at Mayor Antonio Barcelon para mapatigil ang bookies ni Konsehala.

Hindi ko sinasabi na “tongpats” sina mayor at hepe sa bookies nito.

Ang pinagtatakhan lang natin ay kung bakit hindi kumikilos sina mayor at hepe para masugpo ang talamak na operation nito. Ano kaya ang dahilan? –Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply