Magarbong pagsalubong kay Donaire kasado na

KASADO na ang isasagawang motorcade at magarbong pagsalubong ng Taguig City sa kanilang adopted son at bagong pandaigdig na bantamweight champion na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire.

Nanguna sa pagbalangkas ng hero’s welcome si Secretary to the Mayor Marco Evangelista kung saan tiniyak niya na masisilayan ng mga residente ng Taguig si Donaire, kasama ang kanyang magandang kabiyak dahil iikot ang motorcade sa 28-barangay.

Inatasan ni Taguig Mayor Lani Cayetano si Evangelista na makipag-ugnayan din kay city police chief Sr. Supt. Tomas Apolinario upang matiyak na mailalatag nang husto ang seguridad sa isasagawang motorcade dahil inaasahan ang pagdagsa ng mamamayan at mga tagahanga ng bagong kampeon.

Naging malapit sa puso ni Donaire ang lungsod ng Taguig matapos ipamalas ng mga opisyal at mamamayan ng lungsod ang todong suporta at pagbibigay ng parangal at importansiya sa kanyang mga tinamong tagumpay na naging daan upang gawin siyang adopted son ng lungsod. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply