Magbababoy sa Pinas suportado ng DA

SUPORTADO ng Department of Agriculture (DA) ang mahigit 100 magbababoy sa Central Visayas at iba pang panig ng bansa upang maiwasan ang pagkalat ng botcha, napag-alaman ng Remate, Sabado, Pebero 5.

Ayon sa report, gagawa ng paraan ang DA upang makakuha ng murang feeds ang mga magbababoy.

Matatandaang dumagsa ang imported meat sa bansa, sanhi kaya nakalulusot ang mga botcha o bulok na karne sa merkado.

Ayon kina Agriculture Secretary Proceso Alcala, Senate Agriculture Committee Chair Francisco Pangilinan, House of Rep. agriculture comm. Chair Leandro Mark Mendoza, at Party-list Reps. Angelo Palmones, Erin Tañada, Roberto So, at N. Briones, kinukunsidera ng DA ang  programang tutulong sa maliliit na hog raisers.

Isu-subsidize umano ng gobyerno ang bakuna at iba pang veterinary, technical  at logistics support.

Hihikayatin din umano ng DA ang malalaking commercial raisers na maki-link sa magmamais upang makasiguro sa suplay nito.

Bukod dito, palalawakin din umano ng DA ang produksyon ng yellow corn na mabilis magpataba sa mga alagaing baboy.

Magkakaroon din umano ng national swine industry road map kaya ang mga swine and poultry raisers ay makaiiwas sa foot-and-mouth-disease (FMD) at avian flu.

Makikipagtulungan din ang DA sa LGUs upang mahuli na ang “botcha operators.”

Sa panig naman ng Senado, sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan na dapat ding makipagtulungan ang hog raisers upang masulosyunan ang napakarami nilang problema. Nenet Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply