‘Maghanap na lang ng ibang pagkakakitaan’

ITO ang reaksiyon ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa halip na itaas ang singil sa pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) na magdudulot ng panibagong pasanin ng publiko.

Ayon kay Revilla, dapat nang ibasura ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang plano nitong itaas ang pasahe sa LRT at MRT saka maghanap ng ibang pamamaraan upang tugunan ang P7.8 bilyong pagkakautang ng pamahalaan sa pribadong kontraktor.

Binigyang-diin ng mambabatas na hindi napapanahon na patawan pa ng panibagong pasanin ang publiko sa harap ng mga pagtaas kamakailan ng singil sa tubig at kuryente, presyo ng mga bilihin at serbisyo at pamasahe sa PUVs.

Kaugnay nito, kinalampag niya sa Land Rail Transportation Authority (LRTA) at Metro Rail Transit Authority (MRTA), ang mga ahensiyang nilikha ng pamahalaan para itayo at pangasiwaan ang LRT at MRT projects, hinggil sa tungkulin nito.

Aniya, tila bigo ang dalawang ahensiya na isulong ang misyon na magbigay ng cost-effective at maasahang mass transport services.

Sinabi ng Public Services Committee chairman na kanyang hihilingin sa DOTC na magsumite ng kopya ng build-lease- transfer contract ng LRT at MRT gayundin ang mga financial record nito.

Nagbabala pa siya na hindi talaga malulutas ang problema ng LRT at MRT kung matutuloy ang dagdag na pasahe rito. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply