Maghinay-hinay sa pagsipa kay Ecleo sa Kamara – solon

HINDI pa nasasakop ng House committee on ethics ang kaso ni Dinagat Rep. Ruben Ecleo kaya’t hindi ito maaaring parusahan ng liderato ng Kamara de Representantes, sinabi ng isang kongresista Martes, Pebrero 15.

Niliwanag ni House Deputy Speaker Raul Daza na hindi maaaring patawan ng “automatic expulsion” ng liderato ng Kamara si Ecleo dahil ang ethics committee lamang ang may kapangyarihang gawin ito.

“Based on House Rules, a member of the House of Representatives may be disciplined, expelled or suspended after getting the votes of at least two-thirds of the entire membership,” paliwanag ni Daza.

“Only the Committee on Ethics has sole jurisdiction to consider or recommend disciplinary action,” pagdidiin niya.

Nauna rito ay nakiusap si Ecleo sa mga kapwa mambabatas na huwag siyang husgahan agad hangga’t wala pang malinaw na katugunan sa kanyang mga petisyon na nakahain sa Korte Suprema.

Idinagdag nitong maaari pang baguhin ng Korte Suprema ang hatol ng Sandiganbayan kahit ito ay pinal at maaari nang ipatupad.

Nauna rito ay sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales na hinihintay na lamang ng Kamara ang “certificate of finality” mula sa Korte upang maging tuloy-tuloy na ang pagpapatalsik kay Ecleo sa Kamara. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply