Maging ang isdang galunggong produkto na rin ng smuggling!

SA maniwala kayo o hindi, ‘yan ang tunay na nangyayari sa kabila ng katotohanan na mayaman ang ating karagatan sa ganitong uri ng isda na noo’y binansagan bilang “poor man’s fish.”

Pero ngayon, mataas na ang halaga ng isdang ito dahil kabilang na rin siya sa
listahan ng mga produktong ini-smuggle dito sa atin.

Ayon sa aking espiya sa Bureau of Customs, umaabot sa 20 container vans (na pawang freezer-type) na naglalaman ng tone-toneladang isda ng galunggong mula China ang ibinabagsak kada linggo sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Maynila.

Sumbong ng asset natin, hindi tugma sa classification ng import entry permit ang halaga ng buwis na ibinabayad para sa naturang kargamento. Sa madaling salita, technical smuggling ang ginagawa ng consignee at broker ng  tone-toneladang galunggong. Ginigisa nila ang ating gobyerno sa sarili nitong mantika.

Imbes kasi na idiretso sa pabrika kuno ng sardinas ang tone-toneladang
galunggong ay idini-distribute agad ang mga ito sa mga palengke sa Metro Manila.

Kaya nga kung inyong mapupuna, marami sa mga palengke, lalo na sa Maynila at Pasay, ang nagde-deliver ng kahon-kahong “frozen” galunggong! Pero hindi rin natin lubos na tiyak kung ligtas nga bang kainin ito dahil nagmula nga kasi sa bansang China!

Sa pagkalat ng mga frozen galunggong na ito, maliwanag na apektado dito ang
ating mga mangingisda. Inaasahang magsasagawa ng kilos-protesta ang ilang kooperatiba at asosasyon ng mga mangingisda laban sa importasyong ito ng galunggong.

Mahalagang tukuyin kung sino-sino ang nasa likod ng anomalyang ito sapagka’t may panganib na pabagsakin nila ang industriya ng pangingisda sa ating bansa.

Sa tip na binigay ng asset natin sa BoC, isang maimpluwensiyang miyembro ng Gabinete noon ni dating presidente Gloria Arroyo at isang aktibong heneral ng Philippine National Police (PNP) ang mismong mga importer ng tone-toneladang “frozen” galunggong!

Ang nasabing heneral ay nagsisilbing direktor ng isa sa mga pangunahing district police headquarters sa Metro Manila.

Abangan!

* * * * * * * *
SA wakas, aprubado na ng Korte Suprema ang impeachment complaint sa Kamara laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sana, huwag munang magmadali ang ating mga mambabatas sa pagpapatalsik kay Gutierrez dahil baka maudlot na naman ang pinakahihintay na pangyayaring ito.

May 15-araw pa kasi si Gutierrez para makapag-sumite ng kanyang mosyon hinggil sa desisyon ng korte.

* * * * * * * *
SAMA-sama tayong manalangin para sa kaligtasan ng tatlo nating kababayan na nakatakdang kitilan ng buhay sa pamamagitan ng firing squad sa China ngayong darating na araw ng Lunes.

Tanging milagro na lamang marahil ang kinakailangan para maisalba ang buhay nitong sina Sally Ordinario Villanueva at dalawang pa mga Pinoy na nahatulan ng parusang kamatayan matapos mapatunayang nagkasala sakasong drug trafficking.

Bukod sa kanila, may anim pang mga Pinoy ang nasa death row ng piitan.

Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit mas gugustuhin pa ni P-Noy na
suyuin ang gobyerno ng China kaysa ang makipag-usap sa pamahalaan ng Taiwan.

Mahigpit ang patakaran ng China pagdating sa illegal drugs. Ito ang dahilan kung bakit marami sa mga chemists ng sindikato ng iligal na droga doon ang
nagsipagtalunan dito sa ating bansa at ngayo’y malaya at masaganang nabubuhay habang protektado pa ng ilang mga tiwaling tao ng pamahalaan.

Sa talaan ng pulisya, may ilang-daang Chinese citizens na rin ang nadakip sa
ating bansa dahil sa pagtutulak nila ng droga.

Lahat sila ay na-deport na at sariling bansa na lamang nila pinagdurusahan ang kasalanang nagawa nila sa ating bayan.

Bakit hindi na lang natin gayahin ang patakaran nila laban sa iligal na droga
para amanos na lang?
* * * * * * * *
Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999-4333437 o e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran!Boyet Munar

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply