Dominguez brothers kinasuhan na sa DOJ

PORMAL nang naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) si Atty. Oliver Lozano laban sa magkapatid na Raymund at Roger Dominguez kaugnay sa pagpatay sa kanyang anak na si Emerson.

Sa kanyang complaint-affidavit, reklamong carnapping with murder ang inihain ni Lozano laban sa magkapatid na Dominguez at sa mga john does.

Kasama niyang naghain ng reklamo ang kanyang asawa at mga anak na sina Evangeline, Norma, Oliver Wendell, Evelyn, Rowena at mga anak ni Emerson na sina Pauline at Paulo.

Pinanumpaan ng mga complainant ang kanilang salaysay sa tanggapan ni Chief State Prosecutor Claro Arellano.

Kasama ni Lozano na nagtungo sa DOJ ang mga miyembro ng Task Force Lozano sa pangunguna ni Sr Supt. Isagani Nerez, hepe ng Police anti crime and emergency response

Ang reklamo ay ibinatay sa imbestigasyon ng Task Force Lozano.

Naniniwala si Atty. Oliver Lozano na malakas ang kanilang ebidensya laban sa magkapatid na Dominguez. Teresa Tavares/Photo by Rene Sandajan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply