Magkapatid na suspek sa pagpatay sumuko na

SUMUKO na kay Mayor’s Complaint and Action Center chief Ret. Col. Franklin Gacutan ang magkapatid na suspek sa pamamaslang sa isang supervisor ng telecommunications company kamakailan.

Sina Paul Bryan Laxamana, 18 at kapatid nitong itinago sa pangalang Bobot, 16, ang sinasabing responsable sa pagpaslang sa Smart Supervisor na si Albert Clarence Bondoc, 28, noong Enero 30 sa San Andres Bukid Sta. Ana, Maynila.

“Ipinagtanggol ko lang po ang kapatid ko na pinagsamantalahan niya habang may nakatutok na kutsilyo sa leeg,” ani Paul Bryan.

Sina Paul at Bobot ay sumuko kay Gacutan, 11 ng Huwebes ng umaga.

Sa panayam kay  Paul, itinanggi rin nito na pinagnakawan nila ang biktima at kusang loob silang sumuko para bigyan linaw ang pangyayari.

Sinabi ni Paul na dalawang beses pa lamang silang nagkikita ng biktima at noong gabing naganap ang insidente ay pinapunta umano siya ng biktima sa inuupahan nito para ipakilala sa isang manager ng restaurant na pagpapasukan sa kanya para maging waiter.

Ayon pa kay Paul, pinatulog umano sila ng biktima sa bahay at noong una ay magkatabi silang magkapatid, pero biglang gumitna sa kanila ang biktima at maya-maya ay naramdaman niya na hinihipuan siya kaya tumalikod na lamang siya.

Pero maya-maya umano ay nakita niyang nakahubad na ang kanyang kapatid at nakapatong ang biktima habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg nito kaya kanyang itinulak si Bondoc.

Doon na umano siya inundayan ng saksak ng biktima na tumama sa tagiliran ng kanyang tuhod kaya nang kanyang maagaw ang kutsilyo ay nasaksak niya ang biktima pero iyon ay para ipagtanggol lamang ang kanyang sarili.

Sinabi naman ni P/Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District –homicide section na sasampahan ng kasong murder ang magkapatid. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply