Magnanakaw ng manok muntik nang matigok

NALAGAY sa panganib ang buhay ng isang sabungero nang kuyugin ng mga taumbayan matapos nitong magtangkang magnakaw ng isang alagang manok na panabong na pag-aari ng isang retiradong opisyal ng Philippine Air Force sa Villamor Airbase, Pasay City, Lunes, Pebrero 14.

Ang suspek na kinilalang si Farzon Paron, 27, tricycle driver, at residente sa Villamor Airbase ay dinakip ni Barangay Tanod chief Zaldy Bronda ng Barangay 180 ng naturang lungsod.

Ayon sa reklamo ni ret. Air Force 2nd Lt. Alberto Johson, 60, nawala ang kanyang talisaing manok na panabong na nakasuga sa kanilang bakuran noong nakaraang Sabado ng umaga, Pebrero 12.

May nakapagbigay-alam kay Johson na ang kanyang ilagang manok ay nasa pag-iingat at itinatago ng suspek sa barangay hall sa Villamor Airbase.

Sa tulong ng mga barangay tanod ay nasakote ang suspek dakong alas-diyes ng umaga.

Muntik nang kuyugin ng taumbayan ang suspek, na agad dinala sa tanggapan ng Pasay City police investigation division at sinampahan ng kasong pagnanakaw. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply