Magnanakaw ng motor arestado sa Pasay

ARESTADO ang isang hinihinalang karnaper ng isang alertong security guard habang nasa aktong ninanakaw ang isang nakaparadang motorsiklo sa Pasay City, Biyernes ng madaling araw Pebrero 4, 2011.

Ang nadakip ay kinilalang si Rudyver Salada, 35, residente ng 189 Saphire Ext., Gloria IV subdivision, Tandang Sora, Quezon City.

Sa panayam ng Remate sa security guard na si Warlito Bruza, 38, nakatalaga sa Holiday Plaza, Libertad St., ang insidente ay naganap dakong 3:30 ng madaling araw.

Nabatid na lumapit ang suspek sa nakaparadang itim na motorsiklo na may plakang ZR8839 na pag-aari ng isang tenant sa Holiday Plaza na kinilalang si Dexter Juco at palihim na isinuksok ang isang susi.

Habang minamanmanan ni Bruza ang suspek, bigla itong pinaandar at pinaharurot patungong F.B. Harrison sa Pasay City.

Agad na hinabol ni Bruza ang suspek at nang abutan, natumba ito sa kalye at nagkaroon ng komosyon.

Ang kaguluhan ay nakaagaw ng pansin sa mga nagpapatrolyang pulis na ikinadakip ng suspek. Johnny F. Arasga/Amor Virata

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply