Magpa-breastfeed para sumeksi, payo ng WHO

PINAYUHAN ng World Health Organization (WHO) ang mga inang nais magpaseksi na magpa-breastfeed o magpasuso sa loob ng anim na buwan pataas matapos manganak.

Ang payo ng WHO ay kasunod ng isang pag-aaral kung saan lumitaw na ang mga nanay na  nagpa-breastfeed ng anim na buwan hanggang dalawang taon sa kanilang mga anak na sanggol ay higit na mas maganda at kaakit-akit ang pangangatawan kumpara sa mga inang hindi nagpasuso.

Hindi lang naman umano mga ina ang makikinabang sa breastfeeding kundi maging ang mga sanggol na tiyak na magiging matalino, alerto sa lahat ng bagay at higit sa lahat ay magiging malusog.

Lumilitaw din sa pag-aaral na magiging ligtas sa “gastro-intestinal infection´ ang isang ina na eksklusibong nagpasuso ng kanyang saggol at made-delay ang pagkakaroon ng ‘menstrual period’ upang hindi agad muling mabuntis.

Maliban sa pagiging bibo ng isang batang hindi pinagkaitan ng gatas ng kanyang ina ay magiging ligtas din sa maraming karamdaman at magiging malakas ang “immune system” para lumaban sa anumang infection, allergy at iba pa.

Lampa at mapurol naman ang kaisipan at mahina ang memorya ng isang batang pinagkaitan ng gatas ng kanyang ina. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply