Mahal ang bulaklak pero libre ang condom

HALO-HALO na ang nagaganap sa repablik ni Juan.

Sa buong nakaraang linggo, ubos-ubos ang oras natin sa pagsubaybay sa bad dyoks ng ilan nating mistah sa militar.

Pero habang nagaganap ito, may nag-iingay naman sa kung saan-saan.

May mga nag-aaway-away pala ukol sa lab en seks.

Mas maingay pa ang mga ito sa mga pusa habang naglalabing-labing.

oOo

Itong mga obispo, eh, panay ang sermon laban sa RH bill na naglalayong kontrolin ang populasyon ng repablik ni Juan sa pamamagitan ng mga artipisyal na paraan gaya ng kondom.

Pinagmamartsa nila pati ang mga bata laban sa RH bill.

Sigaw nina obispo, kung may batas na RH, baka mawalan na ang mga bata ng mga kapatid o paisa-isa na lang ang kanilang mga magiging kapatid.

Pero hindi nila sinasabi na maaapektuhan o liliit din ang magbibigay ng donasyon o abuloy sa simbahan, pati ang bilang ng mag-eenrol sa kanilang mga iskul. Hi-hi-hi!

Sa kabilang banda, panay naman ang sigaw ng kanilang mga katunggali na kung ayaw ng mga obispo ng RH, magbibigay naman sila ng mga kondom na libre.

Katwiran ng mga ito, walang anak sina obispo kaya hindi nararamdaman ng mga ito ang hirap ng pagkakaroon ng sangkaterbang anak, kasama na ang pagpapaenrol sa iskul ng mga obispo na sobra kung maningil ng tuition. Ano ba yaaaan!

oOo

May napansin pa tayo, itinaon nila ang away sa panahon na kulay rosas ang paligid.

Valentines day na pala at araw ito ng mga nagmamahalan.

Habang nag-aaway-away ang mga obispo at pro-RH, nagkakatampuhan naman ang mga vendor ng bulaklak at labers.

Sobrang mahal ang mga bulaklak at nadidiskaril ang panunuyo ng mga bubuyog.-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply