Mahilig ka ba sa itlog?

MAITUTURING na versatile ang itlog.  Mula kusina hanggang sa pagpapaganda lalo na kung medyo kapos ka sa budget.  Sa isang mahilig magluto, maraming pwedeng gawin sa itlog.  Extender o pang-torta sa pagkaing nais nating i-recycle.

Sa usaping pagpapaganda, marahil magugulat ka kung paano nakapagdudulot ng beauty secrets sa buhok at sa balat.

Para sa buhok

Volumizing treatment. Taglay ng itlog ang protina na nakapagpapatibay sa ating hair follicles at nakapagpapakapal ng buhok. Maghanda ng isang itlog, tanggalin ang egg yolk at batihin ito  ng bahagya. Imasahe sa buhok at ibabad ng 10 minuto. Pagkatapos ay banlawan ng tap water,  shampuhin, gumamit ng sapat na dami ng shampoo.

Conditioning. Ihiwalay ang egg yolk sa eeg white, itabi ang egg white sa refrigerator dahil maaari pa itong magamit. Batihin ang egg yolk. Ihalo sa binating egg yolk ang isang kutasaritang olive oil (o kung wala, maaring baby oil) at muli itong batihin hanggang maging mabula.  Lagyan  isang tasang tubig at haluing mabuti.

I-aaply sa buhok. Tandaan  na ilagay ito evenly at dahan-dahang imasahe sa buhok. Hayaan ang mixture sa ulo ng 20 minuto at banlawang mabuti gamit ang malamig na tubig.

Moisturizing.  Egg-Honey-Yogurt-Hair-Mask— Paghaluin ang isang kutsaritang honey, ½ kutsaritang almond oil at isang kutsarang yogurt. Batihin itong mabuti hanggang maging frothy. Imasahe  sa buhok, banlawan  makalipas ang kalahating oras.  Sa pamamagitan nito magkakaroon ka na ng isang silky-soft na buhok.

Para sa balat

Tighten and tone your skin.  Egg-Olive oil-Honey-Mask—Pagsamahina ang 1 egg white, 1  kutsarang honey at 1 kutsaritang olive oil.  I-apply ang mixture sa mukha at leeg. Hayaang matuyo ito sa loob ng 15 minuto. Banlawan ito ng tap water.  Sa ganito, ang egg white ang magpapaliit ng pores at ang honey naman ay ang moisturizer para sa isang glowing skin.

Egg white wash—Batiin ang 1 egg white hanggang maging foamy. Pagkatapos, ilagay na ito sa balat, hayaan itong matuyo.  Banlawan ito gamit ang maligamgam  na tubig. Makatutulong ang recipeng ito sa toning at tightening ng pores sa balat.

Quick fix for puffy eyes. Mukha bang dull ang mata mo at laging mukhang pagod? Mainam na mgalagay ng sapat na  egg white sa talukap at eye bags. Patuyuin ito hanggang 10 minuto at banlawan. Nakatutulong ito para maging sariwa at masigla ang ating mga mata.

Fight vs skin irritation.  Ayon sa ilang pag-aaral, ang itlog ay isang natural remedy para sa iritadong balat. Nagtataglay din ang itlog ng amino acids na nakapagpapabawas ng pamamaga.  Para makaiwas sa pagkairita ng balat, ihalo ang ilang piraso ng itlog sa tubig pampaligo. Hayaan na tumulo sa balding may itlog ang tubig mula sa gripo. Pagkatapos magsabon ay gamitin ito pangbanlaw. Gawin ito ng ilang araw at pihadong magiging smooth ang iyong balat.

Isama na sa iyong pamamalengke ang itlog.  Para mas makatipid, bilhin yung mga itlog na basag dahil mas mura ito kesa sa regular eggs.

O hindi ba’t simple lang naman at madali?  Di rin ganun kamahal. O kaya kayo dyan, huwag isnabin ang itlog. Hindi lang ito pang-Tapsilog. Tandaan mas mainam ang gandang natural. Kaya go na girl, try mo na, isama ang itlog sa iyong pampa-beauty. Linda Bohol

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply