Makati nagbayad ng P700M sa BIR

NAGBAYAD ng tumatagingting ng P700 milyong piso ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Makati sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang naturang halaga ay ang mga bayarin ng lungsod sa BIR mga 10 taon na ang nakakaraan. “It’s already finished. They have already paid the BIR by around P700 million.”, ayon kay BIR Regional Director Jaime B. Santiago.

Noong Disyembre 16, 2009 nagbaba ng hatol ang Court of Tax Appeals na dapat magbayad ang lungsod ng P1.05 bilyo para sa taong 1999-2000 at P217.8 milyon para sa 2002-2004.

At noong 2010 ay nagbanta ang BIR na kanilang rerematahin ang Makati City Hall at kanilang ipapa-freeze ang mga bank accounts ng lungsod ng Makati.

Sinabi pa ni Santiago na nagsumite na ng aplikasyon ang Makati para mapababa at maibsan ang mga interes na nagkapatng-patong sa kanyang tanggapan at ito’y nakatakdang ipadala niya sa national office ng BIR para aprubahan ni Commissioner Kim S. Jacinto-Henares. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply