Makulit na lasing sinaksak sa likod ang kapwa lasing

NASA malubhang kalagayan ngayon sa pagamutan ang isang lalaki matapos itong saksakin sa likod ng kanyang kasamang lasing nang magkapikunan habang nagkululitan ang mga ito habang naglalakad pauwi sa Caloocan City Sabado ng madaling araw.

Ang biktima, na kasalukuyang inoobserbahan sa Jose Rodriguez Medical Hospital sanhi ng tinamong saksak ng screw driver sa likod, ay nakilalang si Felix Pamo, 29, residente ng Major st., Batasan Hills, Quezon City.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Rowelo Jovita ng Phase 4, Bagong Silang, Caloocan City, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-dos ng madaling araw sa Phase 4, Bagong Silang.

Base sa salaysay ng mga nakasaksi, unang nakitang naglalakad pauwi ang dalawa nang marinig ang mga itong nagkukulitan hanggang sa magkapikunan.

Bigla na lamang umanong binunot ng suspek ang kanyang dalang screw driver at agad na itinurok sa likod ng nabiglang biktima na hindi na nagawa pang makailag.

Matapos ito, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi natukoy na direksiyon. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply