Malakanyang aasahan ang panalo ng Azkals

UMAASA ang Malakanyang na mananalo ang Team Azkals sa nakatakdang laban nito sa Team Mongolian ngayong gabi, Miyerkules, Pebrero 9 sa Panaad Stadium sa Barangay Mansilingan, Bacolod City.

Ayon kay Abigail Valte, deputy presidential spokesperson, nakasuporta ang gobyerno sa Azkals.

Ikinatuwa naman ng Palasyo ang balitang inaalay ng Azkals ang kanilang laban para sa kaarawan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III

Sinabi ni Valte na karangalan ng bansa ang inaasahang pagkapanalo ng Azkals.

Hindi man tiyak kung makakapanood ang Pangulo ng nasabing laban ay tiniyak naman ni Valte na sila ay tututok sa nasabing laro.

Samantala, nadismaya ang ilang fan ng Azkals dahil ubos na ang libreng tiket ng laban.

Maaga pa lamang ay dagsa na ang fans ng Azkals sa nasabing venue. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply