Malakanyang mas prayoridad ang paglilikas sa OFWs

TILA walang pakialam ang Malakanyang sa naging desisyon ng United Nations Security Council laban sa Libya dahil kapakanan umano ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang kanilang tanging concern.

Nauna nang nagdesisyon ang UN Security Council na patawan ng kaparusahan ang Libya dahil na rin sa lumalalang kaguluhan doon nang ipanawagan ang pagbaba sa puwesto ni Libyan President Moammar Gadhafi.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na sa ngayon ay nakatuon ang kanilang pansin sa pagpapauwi sa OFWs na naiipit sa gulo sa Libya.

Tinatayang 26,000 Filipino ang nasa Libya kung saan ang initial figure aniya ay 13,000 na ang ibabalik.

Nauna nang napagkaisahan ng UN Security Council na aprubahan ang draft resolution na magpapataw ng kaparusahan sa Libya dahil sa lumalakas na panawagan ng anti-government protesters na bumaba sa puwesto si Gadhafi.

Kabilang sa draft ang arms embargo, asset freeze at travel bans para kay Gadhafi at ilan nitong kapanalig.

Nakasaad sa resolusyon na dalhin na sa International Criminal Court ang sitwasyon sa Libya.

Sa kabilang dako, ipinahayag ng Palasyo na sapat naman ang pondo para ilikas ang 13,000 Pinoy sa Libya.  Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply