Malakanyang no comment sa plano ni Shalani na tumakbo sa pagka-senador

NO comment ang Malakanyang sa isyung ginagamit ni Valenzuela Councilor Shalani Soledad ang TV5 at ang game na Willing Willie ni Willie Revillame para sa kanyang ambisyong tumakbo sa pagkasenador sa 2013.

Ang katuwiran ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na wala silang ideya sa bagay na ito at kung sakali man aniya ay personal na iyon ni Coun. Shalani.

Nauna nang sinagot ng mambabatas ang tanong kung tatakbo ba siya sa mas mataas na puwesto sa 2013 elections dahil huling termino na niya bilang konsehala sa Valenzuela

“Hanggat gusto po ako at naa-appreciate ng mamamayan ng Valenzuela yung pagseserbisyo ko sa kanila, gusto ko pa ho silang makasama,” ayon sa konsehala. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply