Malakanyang sinuway, Meco chairman nag-sorry sa Taiwan

SA kabila nang pagmamatigas ng Malacañang na hindi hihingi ng despensa sa Taiwan sa pagpapa-deport sa 14 Taiwanese sa mainland China ay iba naman ang ginawa ng opisyal ng Manila Economic and Cultural Office (Meco).

Ayon sa pahayag ng Taiwan’s foreign ministry, personal umanong nag-sorry si Meco chairman Amadeo Perez kay Taiwanese Foreign Minister Timothy Yang sa kanilang pagkikita nitong nakaraang linggo.

Una nang binigyang diin ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na walang plano ang gobyerno na humingi ng paumanhin sa Taiwan.

Pero sa panig ni Meco Chairman Perez, nangangamba ang opisyal sa malaking epekto sa Pilipinas ng namuong tensyon sa pagitan ng Taiwan.

Maalala na pina-recall ng Taiwanese government ang kanilang envoy kasunod ng insidente at hinigpitan din ang pagtanggap ng overseas Filipino workers (oFw).

Sa kasalukuyan, tinatayang may 90,000 oFw ang nakabase Taiwan. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply