Malakas na lindol posible sa Metro Manila

KINUMPIRMA ng mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na base rin sa pag-aral ng Philippine Institute of Volanology and Seismology (Phivolcs) na posibleng maranasan ng Pilipinas ang malakas na lindol na naramdaman sa Haiti, China at New Zealand na kumitil ng daan-daang katao.

Ayon sa Phivolcs, ang Pilipinas ay nasa ibabaw ng tinatawag na ‘ring of fire’ or ‘earthquake belt’ na sanhi ng mga paggalaw ng lupa, at dahil matagal nang dormant o hindi gumagalaw ang tectonics plates ay maaaring lumikha ito ng high intensity earthquake.

Nabatid na dahil sa naganap na paglindol kamakailan sa New Zealand ay kinakabog ngayon ang ilang lungsod sa Metro Manila, kabilang ang siyudad ng Manila, na may maraming lumang gusaling posibleng hindi angkop ang disenyo para labanan ang intensity 7 earthquake o higit pa.

Napag-alaman pa na maraming gusali sa Maynila ang nakatayo sa mga dating burak at walang mga bato sa ilalim na maaaring kinakailangan na ng mga retro fitting upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Ayon kay Manila Building Officer Engineer Melvin Balagot, ito ang dahilan kaya paulit-ulit   ang ginagawa nilang panawagan sa National Housing Authority (NHA) na hanapan na nang malilipatan ang daan-daang pamilya na ninirahan sa mga lumang tenement housing building sa Vitas, Tondo; sa Sta Ana; at sa Sta Mesa, na umanoy matagal nang deneklara hindi ligtas na tirhan.

Nabatid na idineklara na ng Manila City Engineer Office na hindi na ligtas ang nasabing tenement housing at ilang ulit na nilang hiniling at sinulatan ang NHA para mahanapan ng malilipatan ang mga residente rito. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply