MALAMIG NA LANGIT (ika-limang labas)

INIBA ni Romano ang usapan.

Ipinasok na ang kanyang plano.

“Tiyempo at tumawag ka, pare. Tatawagan din sana kita,” sabi ng una.

“Talaga? Bakit?”

“I’m not feeling well. Makikiusap sana ako sa iyo na sabihin kay direk na hindi muna ako makakapasok for at least two days. Pakisabi rin kay Dr. Mariano na siya muna ang pumalit sa akin habang wala ko. Papayag iyon dahil kapag absent siya, ako ang gumagawa ng trabaho niya!”

“Okey, pare!” sagot ni Louie.

Natapos na ang kanilang pag-uusap.

Tahimik na nag-isip si Romano matapos ibaba ang hawak na telepono.

Si Hyacinth ang laman ng isipan.

Walang dapat makaalam na nasa kanyang bahay ang nawawalang bangkay.

Dahil oras na malaman ng mga pulis na siya ang nagpanakaw, hindi lang mawawalan siya ng career kundi tiyak na makukulong pa.

Dalawang araw ngang hindi pumasok ng ospital ang binata.

Lagi siyang nasa loob ng kanyang kuwarto.

Lumalabas lang kapag kakain.

Pagkatapos, babalik na ulit siya sa loob ng kanyang room.

Walang sawang kinakatalik ang walang buhay na si Hyacinth.

Isang araw, kumatok sa saradong pintuan si Aling Melinda.

Maglilinis daw siya sa kuwarto ni Romano.

Hindi siya pinapasok ng binata.

Delikadong makita ng matandang kasambahay ang bangkay ni Hyacinth.

Dahilan niya’y siya na lang ang maglilinis.

Matapos ito, inilabas niya ang marurumi niyang damit, ponda ng una at bedsheet ng kama para malabhan ng matanda.

Lihim tuloy na nagtataka si Aling Melinda kung bakit biglang naghigpit si Romano na papasukin siya sa kanyang kuwarto.

Dati kasi, ang binata pa ang nag-oobliga sa kanya na pumasok para maglinis at kunin ang mga labahin.

Hindi na lang siya nagtanong.

Wala siyang karapatang kuwestiyunin ang gusto ng kanyang amo bilang kasambahay.

Makalipas ang dalawang araw, nagkukumahog si Romano sa paggagayak para pumasok.

Nakatanggap kasi siya ng emergency na tawag mula sa ospital para sa isang urgent operation.

Sa pagmamadali ay nakalimutan na nga niyang magpaalam sa mag-asawang kasambahay.

Naisipan ni Aling Melinda na umakyat para maglinis.

Pagtapat niya sa kuwarto ni Romano, napansin niya na bahagya itong nakaawang.

Plano ng matandang kasambahay na isara ito pero bago niya ito ginawa, naisipan niyang sumilip sa
loob.

Gulat na napamaang si Aling Melinda nang makita ang nakahigang babae sa kama ng amo.

Ang gandang babae pero anyong tulog na tulog.

Walang kakilos-kilos.

Ito siguro ang dahilan kung bakit ayaw siyang papasukin ni Romano sa kanyang kuwarto.

Para hindi niya makita ang itinatagong kasintahan.

Pero hindi maiwasang magtaka ng matandang babae kung bakit kailangang itago ng amo sa kanila ang nobya gayung napakaganda naman.

Hangos siyang bumaba ng bahay at hinanap ang asawa.

Karakang ikinuwento kay Mang Akong ang kanyang natuklasan.

“Bakit hindi ipinagbilin sa atin ni Senyorito ang tungkol sa kanya? Dapat ay sinabi niya sa atin para naipaghanda natin siya ng gusto niyang kainin?” takang tanong naman ni Mang Akong.

“Pag nagutom iyon, tiyak na bababa para humingi ng pagkain. Hintayin natin siyang ibaba at saka ko siya ipagluluto ng gusto niyang kainin,” sagot naman ni Aling Melinda.

Dumating ang alas-12:00 ng tanghali.

Sabay na kumain ang mag-asawa.

Nag-uusap sila habang kumakain.

“Bakit kaya hindi pa bumababa ang bisita ni Senyorito Romano? Hindi kaya siya nagugutom?” tanong ni Mang Akong sa asawa. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply