MALAMIG NA LANGIT (Ika-pitong labas)

SA tindi ng pag-aalaala, binilisan ni Romano ang pagpapatakbo sa kanyang kotse para makauwi kaagad sa kaniyang bahay.

Nadatnan niya ang matandang mag-asawa na kasambahay na takot na takot.

Parang guilty sa kasalanang hindi naman nila ginawa.

“W-Walang kaming kasalanan, Senyorito. Hindi namin alam na may tao sa kuwarto mo.
Nasilip lang ni Melinda na may babaeng natutulog sa kuwarto mo. Nang dumating ang tanghali, gusto sana namin siyang pakainin pero natuklasan naming hindi na humihinga,” sabi ni Mang Akong.

Hindi malaman ni Romano kung paano magpapaliwanag sa mag-asawa.

“Wala ba kayong ibang tao na pinagsabihan tungkol sa bangkay?” tanong niya.

“W-Wala, senyorito!” sagot ng matandang lalaki.

“Good! At gusto kong malaman ninyo na wala kayong nakita at walang narinig sa pamamahay na ito. Nagkakaintindihan ba tayo?”

“Oo, senyorito!” sagot ng mag-asawang matanda.

Pumanhik na sa itaas ang binata.

Napangiti siya nang muling masilayan ng paningin ang tila natutulog lamang na si Hyacinth.

“Kumusta ka na, mahal ko? Naririto na naman ako!” masaya niyang sabi.

Buong pagmamahal na sinuklay niya ang buhok ng bangkay …

Muling pinunasan ng pabango …

Habang hinahaplos niya ang kabuuan ni Hyacinth, muling nag-init ang pakiramdam ni Romano.

Naghubad siya ng damit …

At sinimulang romansahin ang bangkay ng dalaga.

Parang may buhay ang kanyang ginagalaw …

Mula paa paakyat sa ulo na pinaliguan niya ito ng halik …

Dinidilaan …

Baliw na baliw ang binata sa pag-foreplay sa walang buhay na katawan.

Sa ibaba ng bahay, naisipan ng mag-asawa na sumunod kay Romano.

Baka kasi may iuutos sa kanila ang binatang amo at gusto nilang malaman.

Habang palapit sila sa kuwarto ng binata, nagulat sina Mang Akong at Aling Melinda nang maulinigan ng dumaraing si Romano.

Palakas nang palakas ang pag-ungol ng binata …

Nagkatinginan ang mag-asawa nang nakatayo na sila sa harapan ng saradong pintuan ng silid ng kanilang amo.

Hinawakan ni Mang Akong ang door knob …

Marahang pinihit para matiyak kung hindi ito naka-lock …

Nakasara lang ito pero hindi nakakandado ….

Walang kilatis na binuksan ni Mang Akong ang pintuan para malaman kung ano ang kaganapan sa loob ng kuwarto.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla sa nakitang ginagawa ng kanilang amo sa dalagang bangkay.

Marahan na muli niyang isinara ang pintuan bago walang ingay na hinila palayo si Aling Melinda.

“A-Ano ba ang nakita mong nangyayari sa loob?” sabik na tanong ng matandang babae sa asawa.

Sa ibaba na ng bahay kinausap ni Mang Akong si Aling Melinda.

“N-Niroromansa ni Senyorito Romano ang magandang bangkay,” nanlalaki ang mga matang kuwento ng matandang lalaki.

“A-Ano?” gulat namang sambit ng matandang babae.

“Hindi ko nga maintindihan. Ang dami namang magagandang buhay pero bakit bangkay ang pinagtitiyagaan niyang katalikin?” napapailing na sabi ni Mang Akong.

“Palagay ko, may sakit ang amo natin. Hindi ko nga lang alam kung ano ang tawag doon,” sabi ni Aling Melinda.

“Ano ang gagawin natin?”

“Hindi ko alam!” sagot naman ni Mang Akong. “Mahigpit ang bilin niya sa atin na huwag sasabihin kahit kanino na may itinatago siyang bangkay ng isang magandang dalaga.

“Ganitong nalaman ko na may kasama tayong patay, hindi na ako tatagal sa pamamahay na ito. Kinikilabutan ako,” yakap ang sarili na sabi ni Aling Melinda.

“Ano ang gusto mong gawin natin?” tanong naman ng lalaki. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply