MALAMIG NA LANGIT (Ikatatlong labas)

HINDI mapalagay si Romano habang nagbibiyahe pauwi.

Ang laman ng isipan, ang magandang mukha ni Hyacinth.

Hindi niya kayang itanggi, na-love at first sight siya sa isang bangkay.

Sa makalawa, ililibing na siya.

Tatabunan na ng lupa …

Parang hindi niya makakaya na hindi na muli pang makikita ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.

May nabuong mapangahas na plano si Romano.

Pagdating niya sa malaki niyang bahay sa Valle Verde, telepono ang kaagad niyang hinarap.

Mag-isa lang siyang nakatira rito.

Patay na ang father niya at buhay pa ang mother niya pero hindi kapisan sa bahay dahil nag-migrate na sa amerika at sa piling ng kapatid na babae na pumisan.

Matandang mag-asawa ang tanging kasama niya.

Sina Mang Akong at Aling Melinda.

Ang matandang lalaki ang nagsisilbing houseboy, samantalang ang asawa nito ang kusinera, tagalaba at tagalinis ng bahay.

May kinausap na tao si Romano.

Police character …

Hindi namimili ng trabaho.

If the price is right, kahit mapanganib ang gagawin ay handang suungin.

At handa siyang magbayad kahit magkaano masunod lamang ang kanyang gusto.

Nagkaroon sila ng deal.

Saka pa lamang napanatag ang kalooban ni Romano.

Matapos maghapunan ay natulog na ang binata.

NANG dumating ang araw ng libing kay Hyacinth, sumama si Romano sa kaibigang si Louie sa pakikipaglibing.

Habang ibinaba ang kabaong ng una sa hukay, iginala ng binata ang paningin sa kabuuan ng memorial park.

Dalawang lalaki ang nakita niyang nakatingin sa kanya.

Nag-okey sign ang isa at tumango naman ang binata.

Nang matapos ang libing, panabay pang pumasok ng ospital ang magkaibigan.

Walang kamalay-malay si Louie sa plano ni Romano.

Bandang alas-8:00 na ng gabi nang makauwi ang binata sa kanilang bahay.

Hindi siya natulog.

Maglalamay siya pero walang gagawin …

Meron siyang hinihintay.

Lampas na ng alauna ng umaga nang mag-ring ang kanyang cellphone …

Si Gaspar ang nasa kabilang linya.

“Mission accomplished, bosing. Dala na namin ang order mo at nasa labas na kami ng bahay mo,” sabi ng kausap.

Hindi na ginising ni Romano ang mag-asawang katiwala.

Nasa kasarapan na ng tulog ang mga ito dahil may edad na.

Siya na ang nagbukas ng gate …

Isang van ang pumasok …

Tuwang-tuwa si Romano nang ibaba na ni Gaspar at dalawang kasama ang stretcher kung saan nakasakay ang bangkay ni Hyacinth na tila natutulog lamang.

Ipinadala niya ito sa kanyang mini-lab ….

Inihiga sa patients bed.

Matapos ito, iniabot ng binata kay Gaspar ang napag-usapan nilang halaga.

“Tatlong dalang libo iyan. Walang labis at walang kulang. Pero dapat kayong tumupad sa usapan na walang ibang makakaalam na narito ang bangkay ni Hyacinth,” sabi ni Romano sa lalaki.

“Makakaasa ka, bosing. Propesyonal kami kung magtrabaho,” nakangisi namang sagot ni Gaspar.

Matapos matanggap ang bayad ay umalis na sila.

Hangos na isinara ni Romano ang gate at bumalik na sa kanyang mini-lab.

Buong paghanga at pagmamahal na hinagod ng tingin ang kabuuan ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso at nagpatigas ng kanyang ari. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply