MALAMIG NA LANGIT (Unang Labas)

Ni Joseph Ramiro

NO passion for sex.

Ganito ang obserbasyon ng mga kaibigan kay Dr. Romano Santamaria, isang magaling na siruhano sa isang kilalang ospital ng mayayaman sa Maynila.

Sa edad kasi niya na thirty two, virgin pa siya.

Hindi pa nagkakanobya dahil hindi pa nararanasang mainlab.

Kahit maraming naggandahang babae sa paligid, kailan man ay hindi niya naranasang ma-arouse.

Alam niya ang kahulugan ng salitang masturbation pero hindi niya ito na-experience kahit sa panahon ng kanyang kabataan.

Pulos aral lang ang kanyang ginagawa.

Kaya naman lagi siyang valedictorian sa elementary …

Wala namang nakaagaw ng karangalang summa cum laude nang siya ay mag-college hanggang sa grumadweyt ng kursong medicine major in surgery.

Pero sa kabila ng mga karangalan na kanyang tinamo, wala siyang love life.

Lalong walang sexlife.

Kahit si Romano, aminado sa kanyang sarili na may abnormality sa kanyang pagkatao pero hindi niya alam.

Nahihiya naman siyang komunsulta sa kapwa doktor.

Anuman ang lihim niyang kapintasan, ayaw niyang may makaalam.

Natatakot siyang makasira sa walang bahid dungis niyang pangalan.

Minsan, isinama siya ng kasamahan sa trabaho na si Dr. Louie Verdan sa burol ng namayapang pinsan sa isang funeral homes sa Araneta Avenue.

Sa kotse ni Romano siya sumakay para hindi sila magkahiwalay.

“Kawawa ang pinsan ko,” napapailing na sabi ng una habang sila ay nagbibiyahe. “Dalaga at namatay na virgin.”

“Ano ba ang ikinamatay niya?” tanong ng binata.

“Heart attack!”

“Traydor ang sakit na iyon. Bakit hindi kaagad natsek ang kanyang karamdaman?”

“Napabayaan. Masyado kasing busy ang parents niya sa negosyo at binalewala naman ni Hyacinth ang kanyang nararamdaman. Kaya nang matuklasan ang sakit niya, huli na!”

Napailing-iling si Romano.

Naputol ang kanilang pag-uusap nang makarating sila sa pakay na lugar.

Mukhang may kaya talaga ang namatay.

Pulos mayayaman ang mga nakikiramay.

Makikita sa klase ng mga mamahaling sasakyan na nakahilera sa labas ng punerarya.

Inaya ni Louie si Romano na pumasok sa loob.

Lumapit sila sa mamahaling kabaong na naiilawan.

Napamaang ang binata nang masilip sa nakabukas na salamin ng kabaong ang magandang mukha ng nasawi.

Biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib …

Kasabay nito, sumigla ang daloy ng kanyang dugo na humantong sa simbolo ng kanyang pagkalalaki na mahabang panahon nang natutulog.

Bigla itong nagising …

Hindi mapalagay si Romano nang maramdaman ang galit na pagbangon ng dragon mula sa matagal na pagkakahimlay.

Bigla tuloy siyang nagpaalam kay Louie …

“P-Pare, mauupo muna ako,” aniya.

Tumango ang kaibigan.

Pero nang nakaupo na, hindi mapalagay ang binata.

Hindi siya mapakali dahil sa biglang pagtigas ng kanyang ari …

Pinagpawisan siya ng malamig …

Nang hindi na makatiis, hangos siyang nagtungo sa CR.

Nagkulong sa loob.

Dito’y nagkukumahog na binuksan niya ang harapan ng pantalon.

Gulat ang binata nang parang galit na kobra na biglang umigkas palabas ang galit na galit na ari.

Ngayon lang nangyari ito kaya hindi makapaniwala ang binata.

At nagsimula lang siyang makaramdam ng pagnanasa nang masilayan ang magandang bangkay ng pinsan ni Louie. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply