Malaysian businessman natagpuang patay

PATAY na nang matagpuan ang isang Malaysian national ng kanyang kasosyo sa negosyo sa tinutuluyan niyang kuwarto sa Malate, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Zainal Abidin, negosyante at pansamantalang tumutuloy sa room 104 -636 General Malvar st., Malate, Maynila.

Sa report ni SPO1 Jerry Rivera, 1 ng hapon ng Martes, Pebrero 8 nang maabutan ni AB Rahim Bin Ghalim ang biktima na wala nang buhay.

Ayon kay Ghalim,  matagal na niyang tinatawagan sa telepono ang biktima subalit hindi sumasagot kaya nagpasya siyang puntahan na lang.

Dahil  naka-lock ang pinto ng kuwarto ng biktima, humingi ng tulong si Ghalim sa may-ari ng bahay at sa pamamagitan ng duplicate key ay nabuksan nila ang kuwarto ng biktima.

Dito na bumulaga kay Ghalim ang biktima na nakahandusay sa kama at patay na.

Wala naman nakitang palatandaan na pinaslang ang biktma. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply