Malinamnam na buhay mula sa peanut butter

MAY kasabihan na kahit pa kumikita si mister, hindi pa rin pwedeng mag-sitting pretty ika nga si misis lalo pa’t may anim na anak na kailangang buhayin at itaguyod.

Totoo ang sinumpaan ng mag-asawa sa harap ng Diyos na lalaki ang dapat na maghanapbuhay para sa pamilya. Pero minsan, mapaglaro ang tadhana, dumarating ang hindi inaasahang pagsubok. Pagsubok na kailangang itawid ng mag-asawa na magkasama at hindi ang mauwi sa hiwalayan at ibasura ang sinumpaang pangako.

Bawat problema ay may katapat na solusyon o kasagutan. Dapat na marunong tayong basahin kung ano ang nais ng Maykapal na ipaunawa sa atin.

Si Ma. Theresa R. Cambaliza,44, o mas kilala sa tawag na ‘Aling Baby’ ng Bacood, Sta. Mesa, Manila ay masipag na maybahay ng dating overseas Filipino worker OFW na si Heracleo “Rocky” Cambaliza, 44.

Dahil matagal-tagal na rin na nahinto sa pagtatrabaho sa abroad ang asawa, unti-unti ding nauubos ang kanilang naipon.

Kaya sa halip na maghintay na lamang kung kailan susunod na makaaalis ang asawa, humanap si Aling Baby ng mga pagkakasanayan na pwedeng maging simula ng pagkabuhayan para sa pamilya.

Kasapi ng isang organisasyon sa simbahan ng Our Lady of Fatima sa Bacood, ang Caritas de Manila. Ang Bacood ay nasasakop ng District 6 sa Lungsod ng Maynila.

Ang Caritas ay may proyektong pangkabuhayan o livelihood programs para sa kanilang mga kasapi na interesadong matuto at kumita.

Nagbibigay din ito ng scholarship sa mga kwalipikadong mag-aaral na nais makapagtapos ng pag-aaral subali’t kapos sa pangmatrikula.

Labis na ikinatuwa ng mag-asawa nang makapasa sa scholarship test ang panganay na anak sa Caritas dahil makababawas na ito sa kanilang gastusin o budget.

Sa darating na Marso ngayong taon, magtatapos na sa kursong Physical Theraphy ang panganay na anak sa Pamantasang Lungsod ng Maynila.

Ang lahat ng ito ay sa tulong din ng mga natutunan ni Aling Baby mula sa livelihood program ng Caritas.

Hindi lamang siya nakuntento sa isang livelihood training seminar sa paggawa ng peanut butter, sumailalim din siya sa pagsasanay ng paggawa ng puto, siomai, palabok, majablanca, biko, ube, leche flan, embotido, lumpiang ubod, maging ang paggawa ng dishwashing soap at marami pang iba na pwedeng pagkakitaan sa araw-araw.

Sa di-inaasahang pagkakataon, na-stroke ang asawa ni Aling Baby habang naghihintay ng skedyul sa kaniyang muling pagtungo sa abroad para magtrabaho.

Nang bumuti ang lagay nito, tinulungan na lamang ang asawa sa paghahanda at pagbebenta ng mga produkto ni Aling Baby.

Tuwing araw ng Linggo, na siya ring araw ng pagsisimba ng mga tao, nakapwesto na ang pamilya ni Aling Baby sa harap ng simbahan kasama ang kanilang homemade kakanin, siomai at iba pa.

Ayon sa kaniya, nalulungkot siya kapag hindi siya nakapagtitinda kahit hindi araw ng Linggo dahil talaga namang hinahanap-hanap na ng kaniyang customers.

“Nami-miss namin ang tinda ni Aling Baby lalo na yung mga kakanin. Ang sarap kasi at malinamnam. Lutong-bahay talaga. Hindi katulad ng iba na masyadong komersiyal,” ayon kay Nanay Viring, suki ni Aling Baby.

“Ang peanut butter niya ay gawa sa purong mani at walang halong harina kaya malinamnam ang lasa,” dagdag pa ng regular na suki nito.

Sa ngyon, nais sana ni Aling Baby na madagdagan ang kaniyang puhunan para madagdagan pa ang dami ng kaniyang mga produktong idini-deliver sa iba pang mga barangay.

Kapag Linggo aniya, sa phunan na P2,000, tiyak na kumikita ito ng P3,000 o higit pa.

Sa ngayon aniya na nagtaasan na ang mga bilihin, hindi niya maiwasan na hindi magtaas pero maliit lamang para makabawi din ng kaunti sa puhunan.

“Tulad na lamang sa mani, dati ay P58.00 lang ang kilo, ngayon nasa P80.00 na. Ang mantika na dati ay P60.00 ang kuha niya ngayon ay P155 na. Ang asukal dati P38.00 ngayon ay P64.00 na. Ang benta ko dati sa peanut butter ay P100.00 ngayon ay P130.00 na,” kwento pa ni Aling Baby.

Dahil ang Caritas ay accredited ng Department of Trade and Industry (DTI), napagpagawa na si Aling Baby ‘label’ ng kanyang mga produkto, ang “SIS. BABY HOMEMADE PEANUT BUTTER, sure na pure walang halong harina.”

Labis ang pasasalamat ni Aling Baby at asawa nito sa livelihood dahil ito ang nagsilbing ‘bread and butter’ ng pamilya noong nasa krisis ang kanilang pamilya.

Nagpapasalamat din sila sa pagkakaroon ng mababait at matatalinong anak na babae. “Sila na rin ang nagsilbing inspirasyon namin.”

Kasabay ng panganay na anak na magtatapos, nakatakda din na magtapos sa high school ang isang anak.

Pawang nasa section 1 ang mga anak nila kaya lalong nagsusumikap si Baby upang makatapos lahat ng mga anak.  Text/Photos by Edna dela Fuente


2 Responses for “Malinamnam na buhay mula sa peanut butter”

  1. RICKY VILLAFLOR says:

    GUSTO KO PO SANANG MATUTONG GUMAWA NG PEANUT BUTTER PARA PO DAGDAG KITA. SALAMAT PO

  2. RICKY VILLAFLOR says:

    Paano po ba ang paggawa ng peanut butter? Dito po ako sa Pasig.

Leave a Reply

*
PINAGMALAKING MO SEGMENT NA KAKAIBA KUNO STD BUHKE...
AGUYYYYYY AGUY REFORMAT NA ANG ALL STARLETS PARTY ...
Si junior ang composer ng yakap, english ang orig,...
nyahahahah siyempre naman para lalong gumanda ...
nyahahahahah ayy talaga,,sure ka bang binenta nila...
nyahahahah saan? anong lugar diyan sa bisaya? ha...
nyahahahaha saan? anong music stores? bwahahaha...
sana naman wag niyang maisipan idi=display ang erm...
75 yrs old, tinitelagan pa ba yun? lol!...
ANO BA YAN STD IKAW LAMANG ALBUM SOLD OUT NA AGAD?...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.