Maling paggamit sa pondo ng AFP iimbestigahan na rin

INIHAIN ni Cebu Representative Gabriel Luis Quisumbing ang House Resolution No. 910 bilang panawagan sa House Committee for National Defense and Security na imbestigahan ang umano’y mga iregularidad sa sistemang pinansyal ng Armed Forces of the Philippines, Miyerkules Pebrero 2 ng hapon.

Ayon kay Quisumbing, vice-chairperson ng komite, mahalagang masuri ng komite ang pagkawala ng may P270 milyong pondo ng AFP.

“Ms. Heidi Mendoza, in her sworn statement at a congressional hearing, disclosed that her audit revealed a missing amount of P270 million from AFP funds representing reimbursements from the United Nations. Further, in 2009 Navy Lt. Nancy Gadian revealed to the public that out of the P46 million provided by the Americans for the 2007 Balikatan war games, only P2.3 millions was released to Filipino troops”.

Binigyang diin ni Quisumbing na dapat maitama ang maling sistema sa paghawak sa pondo ng AFP. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply