Mancao-de Lima love affair itinanggi

WALANG katotohanan ang bali-balitang may relasyon sina dating Superintendent Cesar Mancao at Justice Secretary Leila de Lima.

Ito ang inihayag ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Mancao sa ginanap na pulong balitaan sa  Tinapayan sa  Dapitan, Linggo ng umaga, Pebero 27.

Sinabi ni Topacio na naniniwala si Dra. Maria Carmen Mancao na “purely professional” ang relasyon nina Mancao at de  Lima.

Ayon pa kay Topacio, si Gng. Mancao ay dumating sa Pilipinas noong nakalipas na Huwebes galing Amerika upang linawin ang mga lumalabas na ulat  hinggil sa umanoy pagdiborsiyo nila ng kanyang asawa upang sa gayun ay legal nang magsama si de Lima at Mancao.

Nauna nang ibinulgar ng umanoy naging “mistress” ni Mancao sa kanyang reklamo sa Quezon City Prosecutors Office na si Teresa Irene Abas na iniwan umano siya ni Mancao, dahil kay de Lima.

Si de Lima umano ang nasa likod kung bakit napasailalim sa Witness Protection Program (WPP) si Mancao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply