Cesar Mancao umapela sa Court of Appeals

NAGSUMITE na ang kampo ni dating police Sr. Supt. Cesar Mancao ng motion for leave to intervene at motion for reconsideration in intervention sa Court of Appeals (CA).

May kinalaman pa rin iyon sa desisyon ng sixth division ng CA na nagbasura sa kasong murder laban kay Lacson kaugnay ng pagpatay kina Bubby Dacer at sa driver nito na si Emmanuel Corbito.

Sa nasabing desisyon, idineklara ng CA na hindi credible witness si Mancao sa kaso.

Sa pitong pahinang motion for leave to intervene na inihain ng abogado niya na si Atty. Ferdinand Topacio, hiniling nito sa CA na isama sila bilang partido sa kanilang diskusyon sa kaso para maipaliwanag naman nila ang sinasabing inconsistencies sa kanyang testimonya.

Gusto nilang mabigyan ng pagkakataon na maihayag ni Mancao ang kanyang panig.

Sa 35 pahinang motion for reconsideration in intervention, hiniling naman ni Mancao na baligtarin ng CA ang pagdedeklara sa kanya na hindi siya isang credible witness.

Sa isang presscon sa lungsod ng Maynila, bago ang paghahain ng mga nasabing mosyon, personal na nanindigan si Mancao na hindi niya inimbento ang kanyang testimonya nang ituro si Senador Panfilo Lacson bilang utak sa pagpatay sa PR man at kanyang driver. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply