Mangingisda niratrat; 1 patay, 2 sugatan

PATAY ang isang magingisda habang dalawa pa ang sugatan matapos pagbabarilin ang mga ito ng hindi pa nakikilalang armadong mga kalalakihan.

Nangyari ang insidente habang sakay ang mga biktima ng kanilang bangkang pangisda Sabado ng gabi, sa karagatan ng Limbones Batangas City.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Ronnie De Guzaman dahil sa tama ng baril sa kanyang ulo habang ginagamot pa sina Roland Moreno, at Marvin Morales pawang residente ng Navotas.

Sa ulat ni Insp. Ignacio Aranilla ng Maritine police Navotas Fishfport detachment nagsumbong si Danilo Sevilla, 44, kapitan ng F/BCO Koko, ng Jimel Fishing ang insidente ng pamamaril sa kanila ng mga di nakilalang kalalakihan sa karagatan ng Batangas dahilan ng pagkamatay at pagkasugat ng dalawa pa nilang tauhan.

Sa isang unmark banca nakasakay ang limang kalalakihan na armado ng mahahabang baril na walang sabi-sabing nagpaputok sa kanila na ikinamaty ni De Guzman.

Si Sevilla ang nagdala sa mga biktima sa nasabing pagamutan.

Samantala, patuloy ang isinasagawang follow up imbestigation ng mga tauhan ng maritime police para malaman ang motibo ng nasabing krimen. Roger Panizal

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply