Mangingisda sa Rizal taggutom

HUMIHINGI na ng tulong sa panglalawigang pamahalaan ng Rizal ang mahigit 15,000 mangingisda na nakararanas ng gutom dahil hindi na makapangisda sa Laguna de Bay dahil sa kapal ng water lily dito.

Sa bayan ng Cardona pa lamang ay labis nang naaapektuhan ang aabot sa 10,000 mangingisda na hindi makalaot dahil hindi makausad ang kanilang bangka sa kapal ng water lily.

Ayon sa mga mangingisda, walang ginagawa ang alkalde ng Cardona na si Bernardo San Juan para linisin sa water lily ang Laguna de Bay.

Sa 14 na barangay sa Cardona, ang Barangay Lambak ang pinakaapektado gutom dahil 80 porsiyento ng mamamayan sa lugar ay umaasa sa pangingisda.

Bukod sa Cardona, apektado na rin ang katabing bayan  nito tulad ng Binangonan, Morong at Jala-Jala.

Inaangal ng mamamayan ng Cardona, partikular ng mga mangingisda ang kawalan ng aksyon ng pamahalaang lokal, na umano’y mabagal ang pag-aksyon.   Cesar Barquilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply