Manhunt sa Cainta massacre suspect puspusan

PUSPUSAN ang pagtugis ng Cainta Police sa suspek na nagmasaker sa apat na miyembro ng isang pamilya sa Cainta, Rizal.

Sa panayam kay Cainta Police Chief, Supt. Emmanuel Bautista, nagpakalat na umano siya ng mga tauhan sa mga bus terminal dahil posibleng umuwi sa kanyang lalawigan sa Northern Samar ang suspek na si Fortunato “Junjun” Asebar.

Ang suspek ang sinasabing kainuman ng isa sa mga biktima na si Amado Asebar Sr., bago nangyari ang pagmasaker kung saan pinagtatadtad ng saksak ang mga biktima.

Bukod kay Asebar Sr., kabilang din sa mga biktima ang asawa nitong si Elizabeth at mga anak na sina Amado Jr., 14 at Prichie, 10.

Inihayag ni Bautista na bitbit ang larawan ng suspek, nakipag-ugnayan na ang operatiba sa chief security guard at mga dispatcher ng bus.

Kinukumpirma naman ni Bautista ang balitang suspek din si Asebar sa pagpatay sa asawa nito sa probinsya. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply