Manigas kayo

BAKA raw mawalan ng hanapbuhay ang may 80,000 OFW sa Taiwan at bawiin pa nito ang isinalang na puhunan sa Pilipinas kung hindi tayo hihingi ng paumanhin sa Taipei — tinadyakan kasi palabas ng bansa’t itinapon sa pinagmulang lupalop ang ilang hinihinalang kriminal na dumayo dito.

Nataranta ang ilang sektor sa banta raw ng Taiwan . Nakikiusap na umano ang recruitment agencies na ibigay na lang ang hinihingi. Pero bago mahawa sa sindak ang buong bansa, mabusisi muna kung ano talaga ang sumingaw na hidwaan. Konting lamig lang.

Buhos ng malamig na tubig ang mga pahayag nina Justice Secretary Leila De Lima at Bureau of Immigration officer-in-charge Ronaldo Ledesma—at malinaw nga ang lumalabas.

Talagang sa Mainland China ang destinasyon ng mga ipinatapon.

Kung kursunada ng Taiwan na sunggaban at ikalaboso ang mga naturang suspek, kaya nila talaga—hindi na kailangan pang pagdiskitahan ang mga walang muwang na OFW sa kanilang teritoryo.

Lumilitaw na ang mga naging biktima’t bibiktimahin ng mga suspek ay pawang mula People’s Republic of China. Yes, the persons that were allegedly blackmailed and duped by the suspects through Internet and telecom operations live in the mainland, not in Taiwan . Lawyers have a term for it – the principle of territoriality.

Kung itinapon ang mga suspek sa Taiwan na wala silang nabiktima, walang nagsampa ng kaso’t walang umaasunto… tiyak na lalaya lang sila.

Gano’n din ang modus operandi ng may 18 Taiwanese na nasakote ng National Bureau of Investigation nitong nakalipas na ilang buwan.  Inilagak sa Taiwan ang mga suspek— at nakalibre sila sa mga kaso.

Nakakapagtaka ang alburuto ng Taiwan — parang gagantihan ang mga lehitimong OFW sa kanilang balwarte dahil itinapon natin ang mga hinihinalang kriminal na Taiwanese daw at ngayon nga’y ikinaloboso na sa China .

As it turns out, there is protocol of sorts between Mainland China and Taiwan called the “Cross-Strait Relations”. And Taiwan can request that suspects be turned over to them by Mainland authorities through this special protocol.

Funny, but this whole panic in the country was not triggered by any statement from Taiwanese authorities. It was our own officials, the Manila Economic Cooperation Office (MECO) who cried wolf that Taiwan is set to make life difficult for Filipinos working there or applying for work.

Maybe, the MECO guys should put more effort at explaining to Taiwanese officials the logic behind the move by our government to deport the suspected Chinese criminals to the Mainland. Maybe, if the MECO officials are effective in their job of maintaining relations with Taiwan , then the row would have been easily resolved.

The problem is that it looks like it was the MECO guys themselves who triggered the local panic.

Too, MECO should convey to the Taiwanese is that they should be grateful to us for ridding them of riffraff. Surely, these criminal suspects are potential sources of major headaches for Taiwan , if they are not yet already.

Maybe, we actually did them a favor by apprehending and deporting the suspected Chinese fraud syndicate members. Maybe, the NBI and the BI just saved that country from further embarrassment caused by the reported criminal operation of some of their alleged nationals.

Maybe, we should be rewarded, not punished by Taiwan .

Meanwhile, we hope the government does not succumb to the pressure from Taiwan and end up apologizing—and that would be a victory for the criminal syndicates.-Dong de los Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply