Maninisid ng tahong nalunod

PATAY ang isang 24-anyos na lalaki nang tumama ang noo nito sa isang bato habang naninisid ng tahong sa dagat sakop ng Baseco Compound sa Port Area, Maynila Linggo ng hapon, Pebrero 13.

“Dead on arrival” sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Rudy Cerbito de Lina, residente ng Baseco Compound.

Ayon sa report ni PO3 Alonzo Layugan ng MPD-Homicide Section, dakong ala-singko ng hapon nang mangyari ang insidente.

Nauna rito,nakipag-inuman umano si De Lina sa kanyang kaibigang si Arnold Inocencio, 23, residente ng Mandaluyong City, at isang nagngangalang “Jomar”  nang maisipan nitong sumisid upang manguha ng uulaming tahong.

Pinigilan umano ni Inocencio ang biktima subalit nagpumilit ang huli.

“Sinabi ko sa kanya (Rudy) na bukas na lang kami manguha ng tahong dahil nakainom na kami ng dalawang  bote ng gin,” ayon kay Inocencio. “Saka sa umaga talaga kami sumisisid, pero gusto niya talaga manguha kaya hinayaan ko na lang siya.”

Pareho umano silang sumisid ngunt umahon agad si Inocencio dahil malamig ang tubig-dagat. Nagsimula na umano silang mag-alala ni Jomar nang hindi pa umaahon ang biktima.

Nang makita nilang nagpapalutang-lutang si De Lina matapos ang mahabang sandali ay agad nilang hinila ito patungo sa pampang, kung saan tinangka nilang panumbalikin ang ulirat nito.

Nang may lumabas na dugo at tubig sa ilong at mata ng biktima ay agad nilang itinakbo ito sa pagamutan, kung saan ay idineklara itong dead on arrival.

Ayon kay Layugan, maaaring tumama sa bato ang noon ng biktima na dahilan ng pagkalunod nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply