Manny Pacquiao lilipad na sa Estados Unidos sa Pebrero 9

MIYERKULES, Pebrero 9 nakatakdang umalis si Pound for Pound King Manny Pacquiao patungong Estados, Unidos para sa promotion ng laban nila ni Sugar Shane Mosley sa Las Vegas, Nevada sa Mayo 7.

Ayon sa ulat, sinabi ni Bob Arum, ang Top Rank promoter na magsisimula ang press tour sa Los Angeles, California, Pebrero 10. Kasunod nito ay sa Las Vegas (Pebrero 12), New York (Pebrero 14) at Washington D.C.(Pebrero 15).

Kasama sa bibisitahin ni Manny ang opisina ni Harry Reid, ang US Senate majority leader. Isasama umano ni Reid si Pacman sa plenaryo ng US Senate.

Samantala, wala pang kumpirmasyon kung matutuloy ang meeting nina Pacquiao at US President Barack Obama sa White House.

Tiwala naman ang grupo ni Arum na matutuloy ang minimithing pagkikita ng dalawa. Abala lamang aniya si Obama dahil na rin sa kaguluhan sa Ehipto. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply