Manyak na tatay pinakulong ni nanay

ARESTADO ang isang mister matapos na ipakulong ng kanyang misis nang maaktuhang minumolestya nito ang kanilang dalagitang anak sa lungsod ng Quezon.

Ang suspek ay kinilalang si Angelito Buganan, 36, ng no. 23 ROTC hunters, Brgy. Tatalon, ng nasabing lungsod ay kasalukuyang naka-piit sa Station 11 ng QCPD,

Lumitaw sa imbestigasyon ni PO3 Loida Daguiog, nagsimula ang pangmomolestiya ng suspek kay “Nene” (di tunay na pangalan ), 13, noong 2004 at ang pinakahuling insidente ay noong Pebrero 10, 2011.

Ayon sa nakalap na impormasyon, nagaganap ang panghahalay ng suspek  sa anak tuwing ala-siyete ng gabi, oras na wala ang nanay ng biktima.

Natuklasan lamang ang pangmomolestiya suspek sa anak nang sorpresang umuwi si Nancy at naaktuhan ang suspek na nakapatong sa kanyang anak habang walang saplot.

Dahil sa pagkabigla ay dali-daling hinablot ni Nancy ang anak mula sa suspek saka mabilis na binihisan at nagtungo sa himpilan ng barangay para magreklamo.

Mabilis naman  kumilos ang mga kagawad ng barangay at dinakip ang suspek saka dinala sa himpilan ng pulis para ireklamo.

Kasong paglabag sa Republic Act 7610 in relation to child abuse ang kinakaharap ngayon ng suspek sa piskalya kung saan hindi pinahihintulutan na makapagpiyansa ang akusado. James de Jesus

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply