Manyak nanghipo ng 2 nene, kalaboso

KALABOSO ang isang lalaki matapos paghihipuan ang dalawang nene na sumasalok ng tubig sa Caloocan City Sabado ng umaga, Pebrero 12.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to child abuse si Rolando Salalac, 31, ng 12th avenue ng lungsod.

Batay sa report, dakong alas-6 ng umaga, sumasalok ng tubig ang mga biktimang edad 9 at 11 sa BMBA cmpd., 3rd ave., nang hatakin ng suspek papunta sa tapat ng isang bahay.

Dito isinagawa ng suspek ang panglalamas sa maseselang bahagi ng mga nene hanggang sa dumating ang may-ari ng bahay na agad na binulyawan si Salalac at mabilis itong nakatakas.

Ipinagbigay-alam naman ng saksi sa mga magulang ng dalawang biktima ang insidente kaya nakapagsumbong ang mga ito sa mga barangay tanod dahilan para madakip si Salalac.Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply