Maraming ginto target ni Black

HANGAD ni champion coach Norman Black na mapanatili ng bansa ang maraming ginto sa Southeast Asian Games’ men’s basketball competition ngayong taon.

Magugunitang nakaukit ang Pilipinas ng 14 ginto sa SEAG sa hanay ng nasabing event kung saan 15 beses itong nagawa ng PHL team.

Isang beses lamang natalo ang bansa at ito ay noong 1989 nang pagharian ng Malaysia ang kompetisyon.

Ayon kay Black, dahil siya ang coach ngayong taon, ayaw niyang mabigo at gusto niyang madepensahan ng bansa ang paghahari nito sa nasabing laro.

“I know that we’ve dominated this tournament since the beginning, but at the same time, I want to make sure that we don’t lose under my watch,” wika ni Black na una nang iniluklok bilang mentor sa SEA Games men’s basketball team sa 26th SEA Games na idaraos sa Indonesia. Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply