Marathon hearing para kay Ombudsman Guitierrez isasagawa sa Kongreso

MAGSASAGAWA ang Kongreso ng marathon hearing sa impeachment case ni Ombudsman Merciditas Gutierrez, iniulat Miyerkules, Pebrero 16.

Ayon sa Kongreso, magsasagawa sila ng marathon hearing upang maabutan ang deadline ng pag-e-expire ng impeachment case laban kay Gutierrez.

Ayon sa Chairman ng Komite na si Neil Tupas Jr., natuwa sila sa pagpabor ng Korte hinggil sa impeachment case kay Gutierrez, kaya bibilisan nila ang hearing sa Kamara upang hindi na ito umabot ng 60 araw.

Sa ikalawang linggo ng Marso, mapapaso na ang 60 session days period na itinakda ng batas upang matapos ang impeachment proceedings kaya nagmamadali na ang komite. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply