Marcelo, Villa-Ignacio ipako-contempt

IPINAHAYAG ni Special Prosecutor Wendell Sulit na naghain na sila sa Office of the Ombudsman ng indirect contempt complaint laban kina dating Ombudsman Simeon Marcelo at dating Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa plea bargaining agreement sa pagitan ng Ombudsman at ni dating military comptroller¬† Carlos Garcia, sinabi ni Sulit na sinampahan nila ng reklamo sina Marcelo at Villa-Ignacio dahil sa pinaniwala umano ng mga ito si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanilang sulat na may malakas na kaso ang Ombudsman laban kay Garcia.

Iginiit naman ni Villa-Ignacio na walang transparency at ayaw magbigay ng impormasyon ng Office of the Special Prosecutor, Ombudsman at Sandiganbayan hinggil sa kasunduan.

Pinabulaanan na ni Sulit na ayaw nilang magbigay ng impormasyon ukol sa plea bargaining. Gwenn Salamida/Photo by Rudy Rabulan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply