Marcos ilibing na sa Libingan ng mga Bayani

KAALINSABAY ng pagdiriwang ng EDSA Revolution, nanawagan ang mga kongresista kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na ipalibing na rin sa Libingan ng mga Bayani ang yumaong dating Pangulo na si Ferdinand Marcos.

Hindi anila marapat na si Vice President Jejomar Binay ang magdesisyon sa nasabing isyu, tulad nang una nang ipinahayag ni PNoy.

Sinabi ni Davao Rep. Mark Douglas Cagas na panahon na para maihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulo.

“I would go for Marcos being buried at the Libingan ng mga Bayani, it’s about time that the body of the former President be brought at the Libingan ng mga Bayani and give the honor due to him,” giit pa ni Cagas.

Duda ni Cagas na takot lamang si PNoy na magdesisyon hinggil sa usapin kaya ipinapasa ito kay Binay dahil sa posibleng maging reaksyon ng publiko.

Sa panig naman ni House Asst. Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay,  sinabi niyang hindi ang ibang opisyal ng gobyerno ang dapat na magdesisyon sa usaping ito kundi ang Pangulo.

“Dapat si PNoy ang magdesisyon kasi siya ang Presidente and he has to make a decision as a leader of this country, he cannot pass all the responsibility of the President to his Vice President,” ayon naman kay Magsaysay. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply