Marcos nanawagan sa mga tropang Thai, Cambodian na itigil na ang kaguluhan

UMAPILA si Sen. Bongbong Marcos sa  Department of Foreign Affairs (DFA) na hilingin sa mga bansang kasapi ng ASEAN na tuldukan na ang nagaganap na karahasan sa pagitan ng mga tropang  Thai at Cambodian.

Ayon kay Marcos, sa pinakahuling ulat, umabot na sa pitong sundalo ang namatay at dalawa dito ay sibilyan kaugnay sa naturang kaguluhan.

Nabatid na nag-ugat ang gulo mula sa matagal nang pinagtatalunang ‘border dispute’ sa 11th-century Preah Vihear temple, na matatagpuan sa teritoryo ng  Cambodia nguni’t mabilis na nararating sa pamamagitan ng hangganan o border ng Thailand.

Nangangamba ang mambabatas sa posibleng pagtaas pa ng bilang ng mga biktima kung hindi agad masasawata ang naturang karahasan.

Iginiit pa ni Marcos na maituturing itong pagsubok sa katatagan ng ASEAN bilang isang asosasyon ng pagkakaibigan at pakikipagkaisa sa mga kasaping bansa para sa  kapayapaan at katatagan sa rehiyon. Linda Bohol

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply