Marcos sa Libingan ng mga Bayani, no comment si PNoy

PINAG-IISIPAN ni Pangulong Benigno Aquino III na idistansiya ang kanyang sarili sa pagdedesisyon kaugnay sa panukalang ilagak na ang mga labi ng namayapang Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Hihintayin na lamang ng Pangulo na may tao na magdesisyon para sa kanya sa usaping ito.

Sa ulat, iginiit ni Senator Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. na dapat na rin ilibing sa LMB ang kanyang ama na naging pangulo ng bansa.

Katwiran ng batang Marcos ay hindi lamang isang magaling na sundalo ang kaniyang ama kundi ito rin ang pinakamatagal na naging Pangulo ng Pilipinas kaya nararapat lamang na ilipat na ito sa Libingan ng mga Bayani.

Dumagsa noon ang mga grupong  humarang sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani matapos itong mamatay noong 1989 dahil sa paglalagay nito sa bansa sa martial law sa loob ng mahabang panahon.

Aniya, maliwanag na pulitikal ang isyu kung bakit may mga humarang sa paglilibing sa kanyang ama sa Libingan ng mga Bayani kaya dapat na itong payagan ng kasalukuyang administrasyon.-Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply