Mares, Agbeko next target ni Donaire pagkatapos ni Montiel

PANGARAP ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. na maging undisputed champion sa Asya dahil nais niyang masundan ang yapak ni 8-division champion Manny Pacquiao.

Si Donaire ay hahamon kay Fernando Montiel ng Mexico para sa hawak nitong World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight titles.

“Why not? After Montiel, that’s two belts. There’s a couple more to go,” pahayag ni Donaire. “My goal from the very beginning of my career was to become undisputed champion — the first one from Asia .”

Kung papalarin naman si Donaire sa kanyang laban kay Montiel, sinabi ng dating Pinoy champ na target niyang kalabanin ang mananalo sa bakbakan nina International Boxing Association (IBO) at WBC silver belt king Abner Mares ng US at Africa’s Joseph Agbeko.

Nais niya rin umanong makalaban si World Boxing Association’s (WBA) bantamweight Anselmo Moreno ng Panama na nakatakda ring dumepensa kay Lorenzo Parra ng Venezuela .

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply