Marian, Dingdong gaya-gaya kina Ogie, Regine

MAY nagtsika sa amin na wala na raw makakahadlang sa pagharap sa dambana nina Marian Rivera at Dingdong Dantes next year. Naging inspirasyon raw ng dalawa ang ginanap na wedding nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid kamakailan.

Gusto raw ng dalawa na maging solemn at strictly for family and friends lang ang okasyon. Iniiwasan raw na magmistulang karnabal ang dakilang araw ng yun sa kanilang buhay.

At alam ba ninyo, gusto ni Marian ay maraming anak, at least six daw. Mahilig kasi sa bata ang actress at naniniwala siya na masaya kahit magulo sa bahay kung marami ang magkakapatid.

Di nga ba hindi pinalampas ni Marian ang request ng batang malapit nang mabulag na makita siya bago ito tuluyang mawalan nang paningin.

Nakakaiyak ang request ng 12 years old na batang si Ginalyn, tubong Baguio at lumuwas ng Manila para humingi ng tulong mapatingin ang mata na malapit nang maglaho sa hinaharap.

Maging si Mariz Umali na siyang nagbigay daan para maiparating sa manonood ang request ni Ginalyn na matulungan ito at matupad ang pangarap makita ng personal si Marian ay napaiyak nang sabihin ng bata on national telebisyon na kapag nakita na niya in person ang kanyang paboritong actress na si Marian ay puwede nang tanggalin ang kaniyang paningin.

Pinaunlakan ni Marian ang request ni Ginalyn at dinala pa niya ito sa GMA 7 para ipasyal at makapiling ng matagal-tagal bago tuluyang mawalan ng paningin ang bata.

“Maging ako ay napaiyak nang mapanood ko si Ginalyn sa TV. Napakasuwerte ko naman na may isang bata na gusto lang ako makita at handa nang mawalan nang paningin matapos na makita ako,” say ni Marian.

Sana lang mabigyan din ng bahay, kahit na maliit ang pamilya ni Ginalyn para hindi na sila nagpabalik-balik pauwi sa bundok ng Baguio.

**************

Spoof ng Alakdana ang bagong segment ng Bubble Gang na Insektoserye.  Ipinakilala na sina Ipisina, Kutotina at Grarapatita. Super kuwela talaga ang bagong segment. At abangan ang mga bagong character na ito sa mga susunod pang Friday ng February.

Ang iba pang segment na kinababaliwan ay Kabaklaan na nakatutuwa ang mga machong tulad nina Ogie Alcasid, Michael V, Wendell Ramos, Tonio Aquitania at Boy 2 Quizon dahil nagiging member sila ng third sex.

*************

Kahit tapos na ang Grazilda ay hindi pa rin nawawalan ng guesting si Glaiza de Castro. Nag-guest siya sa Show Me Da Manny kasama si Arthur Solinap.

Dahil singer din naman si Glaiza bukod sa magaling magdrama kaya naman swak ang guesting niya sa sitcom nina Marian Rivera at Manny Pacquiao dahil bukod sa comedy scenes ay naging musical extravaganza din ang episode na kung saan napasabak din sa kantahan ang Peoples Champ-congressman kasama ang buong tropang ng SMDM.

Samantalang sa taping ng sitcom ay inulan naman ng tukso si Rochelle Pangilinan dahil kay Arthur Solinap na rumored boyfriend niya. It seems pabor naman sa actor ang mga co-stars niya sa SMDM.

Naipagpatayo na ni Rochelle ng bahay ang kaniyang ina at pangarap din niya na magkaroon ng sariling bahay, kaya todo kayod at hataw siya hangga`t kaya niya.

For the meantime, kailangan maghintay muna si Arthur at mag-focus na lang muna ito sa kanyang career.

***********

Successful ang press night ng UNTV sa pamumuno ni Daniel Razon na inimbitahan ang halos lahat ng entertainment press last January 26, sa Cabalen resto, West Avenue.

Ito ang paraan ni Kuya Daniel para magpasalamat sa walang katapusang suporta at pagtulong sa kanya ng press.

Si Kuya Daniel ang nagwaging Best Male Newscaster sa Star Awards for TV kamakailan at ang sabi niya:”Taun-taon nating gagawin ang Press Night na ito.”

Mabuhay ka Daniel Razon! Gerry Ocampo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply