Marian Rivera palaos na dahil laging nega?

TILA patuloy ang pagdating ng bad news sa career ng pambatong star ng GMA-7 na si Marian Rivera. Matapos  kasing sumemplang sa nakaraang Metro Manila Film Festival ang pelikulang pinagbidahan ni Marian na may titulong “Super Inday and the Golden Bibe”, balita naman ngayon na unti-unting nawawala kay Marian ang mga malalaking endorsement niya.

Unang endorsement na natsugi from Marian ay ang San Mig light. Pinalitan na si Marian ni Sam Pinto bilang bagong image ng naturang beer product. Actually, napapanood na ngayon ang naturang advertisement ni Sam.

Sumunod ay sa SM Development Corporation na ang ipinalit naman kay Marian ay si Anne Curtis. Although may balitang natapos na raw ang kontrata rito ni Marian at hindi na lang ni-renew, still, malinaw ang point na nawala na naman kay Marian ang isang malaking endorsement niya.

Bulong-bulungan ay nakaaapekto raw ng malaki ang mga negative na balita kay Marian, kaya nagsi-urong na ang ilang endorsements sa magandang GF ni Dingdong Dantes.

Ang tanong ngayon ay kung ano naman ang magiging epekto ng mga katotohanang ito sa GMA-7. Siyempre, kung naglalaho na ang ningning ng iyong number one star, ibig sabihin ay makakaapekto ito sa patronage o pagtangkilik ng publiko sa iyong TV network. Kumbaga sa PBA, kapag nalaos na ang star player ng isang koponan, hihina rin ang hatak sa fans ng naturang koponan. So, in other words, ang paghina ng popularity ni Marian ay nangangahulugan din ng paghina ng hatak sa fans o televiewers ng GMA-7.

Unless, kung makaka-develop agad-agad ang GMA-7 ng mga bagong talent na kakagatin ng publiko. Pero sa puntong ito ay naunahan na naman ng Dos ang Siyete. Patok na patok kasi sa publiko ang mga bagong tuklas ng Dos na tulad nina Zaijian Jaranilla (na umarangkada sa ratings ang katatapos lang na TV show nila ni Piolo Pascual na “Noah”), sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ng “Mara Clara” (na nakakuha ng 29.6% rating at inilampaso nang husto ang katapat na “Machete” ng GMA-7) at ang latest ay ang “Mutya” na tampok ang isang bagong mukha sa katauhan ng batang si Mutya.

Kaya hindi kataka-takang sa pagpasok ng 2011 ay patuloy pa ring nangunguna sa national TV ratings ang ABS-CBN at hindi pa rin matinag ang mas lalo pang tumitinding Primetime Bida nito base sa pinakahuling datos ng tanyag na kompanyang Kantar Media. Pumalo sa 40% national audience share ang primetime block ng ABS-CBN at ito ang mas tinatangkilik na TV network sa bansa, kompara sa ibang TV station.

Kaya malinaw na malinaw, ang ending nito’y patuloy at lalong ilalampaso ng ABS-CBN ang GMA-7 sa ratings game! Nonie V. Nicasio

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply