Maricel Soriano nasa ‘basement’ kuno?

TINAWAGAN kami ng manager ni Maricel Soriano na si Tita Malou Fagar tungkol sa isyung lumabas  na nasa basement diumano ang Diamond Star. Nagulat siya at iniimbestigahan kung saan nagsimula ang isyung naka-confine sa basement ang kanyang alaga.

Kung three weeks ago ay nagkita  pa sina Maria at Kuya Boy Abunda sa kasal ni Roxanne Guinoo (hindi naman ito payat at maganda raw), last Saturday naman ay kasama rin ni Ta Malou si Maricel sa Manila Peninsula.

So, malinaw na hindi totoo ang tsismis na  naka-confine si Maria sa basement ng ospital.

MELAI CANTIVEROS, UMAMIN NA NAG-CHECK IN SILA NG BF NOONG VALENTINE’S DAY

Marami ang natutuwa kay  Melai Cantiveros  dahil totoong-totoo siya pag tinatanong  tungkol sa personal life niya.

Sabi nga niya, minsan ay nagagalit na sa kanya ang boyfriend niyang si Jason Francisco dahil sa sobrang daldal niya at maski ‘yung mga bagay na hindi dapat sabihin ay ibino-broadcast pa niya.

Tulad na lang nang tanungin siya kung totoo bang nag-check-in sila sa isang hotel ni Jason noong Valentine’s Day, ang nakakatawag sagot ni Melai, “bakit nabalita ‘yan, eh ang sinabihan ko lang naman, ang best friend ko? Madaldal talaga ‘yung best friend kong ‘yun.”

Sinabi ni Melai na anniversary gift ni Jason ang reservation sa Mandarin  hotel.

Noong Feb. 8 daw kasi ay one year anniversary nila bilang magkasintahan at talagang nag-effort si Jason para maging memorable ang nasabing okasyon.

Bukod dito ay binigyan daw siya ng Philippe Charriol ring at napakalaking teddy bear ni Jason bilang parte pa rin ng anniversary gift ng boyfriend pero sinabihan daw siya na package deal na ‘yun hanggang Valentine’s Day. Kaya flowers na lang ang natanggap niya nu’ng araw ng mga Puso.

Ang ibinigay naman daw niya kay Jason ay yung latest ngayon na relo na may cellphone na from Singapore pa raw.

May nagbiro na mas mahal pa ang gift niya at sagot naman niya agad, “eh mas mayaman ako sa kanya,” na ikinatawa ng lahat dahil in fairness, tambak ang project ni Melai to the point na iniwan niya ang ‘Banana Split’ dahil may bago silang serye ni Jason na “Mana Po” sa ABS-CBN 2 at meron pa siyang noontime show.

‘EL PRESIDENTE’ NI GOV. JEORGE ESTREGAN, P100-M ANG BUDGET

Buong ningning na sinabi ni Gov. Jeorge Estregan na 100 million ang gagastusin sa filmbio ni Gen.Emilio Aguinaldo. Kinukuha  rin nila si Gov. Vilma Santos na gumanap bilang Maria Agoncillo, ang pangalawang asawa ni Heneral Aguinaldo.

“With a 100 million-peso budget, kahit sinong bidang artista, aangat ang career!” deklara  ni Gov. ER

May balak din na isali sa mga inter­national film festival ang nasabing  movie project.

Kinuha  agad kay Gov. ER ang kanyang  reaksyon dahil balak din palang gawin ni Senator Bong Revilla ang life story ni  Gen. Aguinaldo.

Pero ayon kay Gov. nagkausap na sila ni Bong tungkol dito at hindi maapektuhan ang pagiging magkumpare nila  kung inunahan man niya itong gawin.

“Binata pa lang kami, magkaibigan na kami. Inaanak ko si Jolo (Revilla), inaanak naman ni Pareng Bong si  Eric (anak niya). Napag-usapan namin na gandahan ko ang paggawa ng pelikula dahil siya ay taga-Cavite,” sambit niya.

“He called me one time about this and sabi ko nga, itutuloy ko na. Kaya nagkaroon kami ng kasunduan, na kapag hindi ko pa nasimulan ang project by August this year ay siya ang gagawa.

Puwes, tamang-tama namang handa na kami ni direk Tikoy Aguiluz at ng mahusay nating scriptwriter na si Roy Iglesias. Tsaka, kung sinasabi nilang taga-Cavite si Bong tulad ni Gen. Aguinaldo, I would like to inform everyone that my grandfather, the late Emilio Ejercito is from Cavite too. That makes me in some ways a Caviteno?,” sey pa niya. “Emilio rin  ang real name ko. Baka puwedeng mag-guest na lang muna si Sen. Bong sa movie namin. Maraming beses na akong lumabas sa mga pelikula ni Sen. Bong at palaging demonyo ang role ko kaya pagbigyan naman niya akong maging bida at siya naman ang maging guest ko, di ba?,” aniya. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply