Marines nag-donate ng 1,800 school desk

DALAWANG paaralan at 42 day-care center sa Sulu ang nabiyayaan ng 1,800 school desk.

Ito ay ipinagkaloob ng Marine Battalion Landing Team 6 (MBLT6) bilang bahagi ng kanilang humanitarian project.

Isinagawa ito ng MBLT6 (MBLT6) sa probinsiya ng Sulu bago nila lisanin ang nasabing probinsya para sa kanilang training.

Kabilang sa mga eskwelahang ito ang South Sionogan Elementary School, Timbangan National High School, San Raymundo Day Care Center at Sitio Suwah-Suwah Day Care Center, na pawang nasa bayan ng Indanan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay MBLT6 Commanding Officer Lt. Col. Robert Velasco, sinabi nitong ang pondong ginamit sa pagbili ng mga school desk ay galing sa proceeds ng kanilang proyektong Sulu Governor’s Cup.

Samantala, labis naman ang papasalamat ng mga eskwelahan at napakalaking tulong ang proyektong ito para sa mga mag-aaral. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply