Marlene ‘di puwedeng ikumpara kay Freddie

SUPER busy ngayon ang tinaguriang mother of courage Marlene Aguilar sa kanyang mga pagsu-show sa ibat-ibang music bar sa ka-Maynilaan.

Hindi na nga maawat si Marlene sa bago niyang pinagkakaabalahang ito kung saan kabi-kabila ang nag o-offer sa kanya na mag-show siya sa kani-kanilang mga music bar.

Ibang klase naman kasing umawit si Marlene na may sarili itong tatak sa pagkanta. Hindi siya p’wedeng ikumpara sa kanyang kuya Freddie Aguilar dahil magkaiba sila ng istilo. Sabi nga ni Rannie Raymundo, si Marlene daw ay may magic pagdating sa stage na parang nakaka-hypnotize ng mga customers sa kanyang pag-awit.

Every Saturday nga ay nagtatanghal si Marlene sa isang sikat na music bar sa Malate na ayon na rin sa may ari nitong si Scot Stevens, super galing na umawit si Marlene, kaya pinakiusapan niya na maging regular na mag-set  sa kanyang music bar. Charlie Lozo

Lagi itong hinahanap ng kanyang mga customers. Dahil na rin sa kaibigan ni Marlene si Scot ay pinagbigyan niya ito na every Saturday nga ay mag-show siya sa music bar ng huli.

Speaking of Marlene, sa darating na March 25 ay siya ang tampok na magku-concert sa “Concert at the Park” kung saan almost 16 songs ang kanyang inihanda.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply