Marquez umatras kay Morales

NATUKLASAN na umatras si Juan Manuel Marquez sa kanilang laban ni Erik Morales sa pay-per-view show sa April 9 sa Las Vegas.

Ayon kay Golden Boy Promotions CEO Richard Schaefer, maghihintay pa lamang sila ng desisyon kung kailan gustong lumaban ni Marquez.

Binanggit na nang malamang umatras ang kalaban ay nagpasya si Morales na huwag umurong at haharap na lamang sa ibang katunggali.

Ang gusto umanong kalabanin ni Morales  ay si Marcos Maidana, ayon kay Schaefer.

Sina Marquez at Morales ay kapwa biktima ng pound-for-pound king Manny Pacquiao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply